ang saklap, di ba?
Saturday, March 18th, 2006minsan sa buhay ng tao, dumarating sa puntong nasa ilalim ka ng gulong. ang saklap, di ba? pero ganon talaga. wala kang ibang magagawa kundi paghirapan ang pag angat mo sa lugmok na pinagkaluklukan sayo. ang saklap, di ba? pero ganon talaga. kadalasan yung mga bagay na akala mong pagaari mo naaagaw pa ng iba. ndi lahat ng tao kaibigan mo. pero wag ka, yung mga taong ndi mo inaasahang nagmamalasakit sayo sila pa ang nandon sa mga panahong ika nga’y nasa ilalim ka ng gulong. gulong ng palad? totoo nga kaya yun? buhay nga naman. ang saklap, di ba? pero ganon talaga.